May inihanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) na P1.2 bilyon na pondo para sa mga programa na inilaan sa mga vulnerable workers.
Ang nasabing pondo ay inilaan matapos ang deklarasyon ng national energy emergency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa giyera sa Gitnang Silangan.
Bilang paghahanda sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program ay nais nilang tiyakin ang kapakanan ng mga mangagawa.
Ang nasabing budget ay inilaan para sa malaking social protection program ng DOLE gaya ng “Tulong Panghanapbuhay sa Ating
Disadvantaged/Displaced Workers” (TUPAD) program at DOLE Integrated Livelihood program (DILP).
Dagdag pa ng DOLE na tuloy-tuloy ang ugnayan nila sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW) para tulungan ang mga OFW na naapektuhan ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
















