Pinahiya ng NLEX ang Barangay Ginebra 118-113 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Commissioner’s Cup.
Naging susi sa panalo ng Road Warriors si Robert Bolick noong maipasok niya ang three points sa natitirang 46.1 seconds para burahin ang 13 points na kalamangan ng Ginebra sa laro na ginanap sa Smart Araneta.
Nanguna sa panalo ng NLEX ang import na si Cady Lalanne na nagtala ng 32 points at 14 rebounds.
Habang mayroong 21 points mula kay Schonny Winston at 14 points naman mula kay rookie LJ Gonzales.
Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang NLEX kung saan parehas sila ng Terrafirma at Phoenix.
Hindi naman umubra ang nagawang 46 points ni Justin Brownlee habang mayroon 14 points si RJ Abarrientos at 14 points naman kay Japeth Aguilar ng Ginebra.
















