Nabigyan ang higit-9 na libong public utility vehicle drivers, kabilang mga motorcycle taxi, delivery service at jeepney drivers ng 5-libong piso halaga ng pinansyal na asiste sa lungsod ng Marikina.
Tulong asiste ng pamahalaan nanggaling mula sa Department of Social Welfare and Development.
Sa naganap na pamamahagi ng lokal na pamahalaan pinamumunuaan ni Marikina Mayor Maan Teodoro kasama si 1st District Rep. Marcy Teodoro, ikinatuwa ng mga benipisyaryo ang maayos at organisadong distribusyon.
Eppisyente anila ang proseso at positibong ibinida pa ang dagdag na pamigay tulad ng libreng pagkain at grocery packs sa mga drayber.
Kung kaya’t nagpaabot ng pasasalamat ang mga nakatanggap ng subsidy kasabay ng kinakaharap na hamon sa kiris ng gasolina.
Malaking ginahawa anila sa mga nasa sektor ng transportasyon ito para mapunan ang nabawas na kita dulot ng mataas na presyo ng langis.
















