Binigo ng Meralco Bolts ang Titan Ultra 118-105 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Commissioner’s Cup.
Mula sa simula ay dominado ng Bolts ang laro kung saan pumalo pa sa 28 points ang naging kalamangan nila sa laro na ginanap sa Smart Araneta.
Sinabi ni Meralco coach Luigi Trillo na kanilang naayos ang unang problema sa mga zone defens kaya mabilis silang nakakuha ng kalamangan.
Itinuturing nila na isa itong pagbawi ng Bolts matapos ang kanilang masaklap na pagkatalo laban sa Rain or Shine nitong Biyernes.
Nanguna sa panalo ng Bolts si CJ Cansino na nagtala ng 29 points habang mayroong 24 points at 14 rebounds naman si Marvin Jones.
Nasayang naman ang nagawang 29 points ng rookie na si Bryan Sajona at 25points, 16 rebounds ng import na si Michael Gilmore para sa Titan.
















