-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang dating PBA player na si Mark Cardona matapos na ireklamo dahil sa pambabastos sa isang dalaga.

Ayon sa mga kapulisan , bigla na lamang umanong hinalikan ni Cardona ang 21-anyos na dalaga sa isang night club sa Bonifacio Global City sa Taguig nitong gabi ng Marso 28.

Nilapitan ito ng nobyo ng babae kung saan doon na sila nagkaroon ng pisikal na sakitan.

Namagitan na ang mga security guard ng bar at doon tinawag ang mga kapulisan.

Ilang kababaihan din ang nakaranas na parehas na insidente kaya sila ay nagtungo sa kapulisan para doon ireklamo ang dating basketbolista.

Mahaharap sa kasong acts of lasciviousness at physical injury ang dating Talk ‘N Text Tropang texters player.