-- Advertisements --

Hindi pa matiyak ng Milwaukee Bucks kung tuluyan ng makakapaglaro ang kanilang star player na si Giannis Antetokounmpo.

Sinabi ni Bucks head coach Doc Rivers na kasalukuyang nagpapagaling sa kaniyang injury sa kaliwang tuhod ang 10-time NBA All-Star player.

Maaring sa loob ng limang laro pa ay makakabalik na ito.

Dagdag pa nito na patuloy ang pagkakaroon nito ng magandang resulta.

Dahil dito ay nagiging manipis na ang tsansa ng Bucks na makapaglaro sa playoffs dahil sa loob ng 14 na laro nila ay 11 dito ay talo.

Natamo ng two-time NBA Most Valuable Player ang kaniyang injury sa tuhod sa laro nila laban sa Indiana Pacers noong Marso 15.