Ipinahayag ni dating Senate President Franklin Drilon ang kanyang matinding pagkabahala sa umano’y malawakang katiwalian sa gobyerno, na aniya’y hindi pa niya nasaksihan sa loob ng 34 taon ng kanyang paglilingkod sa gobyerno.
Ayon kay Drilon, nagagalit ang mga mamamayan dahil maituturing na massive corruption ang nangyayari ngayon.
Bilang tugon, nanawagan si Drilon sa pamahalaan na madaliin ang pagpasa ng panukalang batas na layong sugpuin ang katiwalian.
Sa kanyang statement sa pagdalo sa Senate hearing, tinanong ni Drilon, kung paano tayo nasadlak sa ganitong sitwasyon at sinagot rin nitong sa pamamagitan ng kawalan ng pananagutan.
Ayon sa kanya, ang problema ay nag-uugat sa kabiguan ng mamamayan na sundin ang batas, at sa kahinaan ng sistemang pangkatarungan sa bansa.
Patuloy ang panawagan ng dating senador para sa mas mahigpit na reporma sa hustisya at mas matibay na mekanismo laban sa korapsyon.