-- Advertisements --

Nangako si Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Martes na kikilos siya “forthwith” sa anumang impeachment complaint na matatanggap ng Senado sa kanyang pamumuno.

Bagama’t iniiwasan muna ni Sotto na pag-usapan ang posibleng epekto sa ekonomiya at stability ng bansa, sinabi niyang agad niyang irerefer sa Rules Committee ang anumang natanggap na impeachment articles.

Ang planong impeachment laban kay President Marcos ay kaugnay sa umano’y budget insertions at korapsyon sa mga budget laws mula 2023–2025, samantalang ang kaso laban kay VP Sara Duterte ay maaaring isumite sa House pagkalipas ng kanyang one-year filing ban sa Pebrero 6.

Ani Sotto, hindi pa panahon para pag-usapan ang detalye, ngunit tiniyak niyang kikilos siya nang mabilis sa anumang kaso, taliwas sa naunang Senado na mabagal kumilos sa kaso ni Duterte noong nakaraang taon. (report by Bombo Jai)