Isinusulong ngayon ng Office of the Ombudsman ang sistematikong mga hakbang at reporma sa paglaban nito kontra korapsyon.
Sa kinakaharap na isyu at kontrobersiya ng bansa sa usapin ng katiwalian, ibinahagi ni Ombudsman Remulla ang planong mas paigtingin pa ang mga hakbang nitong ginagawa.
Aminado kasi siya na ang isyu ng korapsyon ay hindi maitatangging literal na nakamamatay.
Ito’y kasabay sa nagpapatuloy pa ring kaliwa’t kanan imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Naisiwalat ang korapsyon ng mga opisyal, kontratista at iba pang sangkot sa mga proyektong makatutulong sana lalo na sa oras ng kalamidad.
Kung kaya’t dahil rito, inilahad ni Ombdusman Boying Remulla ang ilan sa kanilang mga stratehiyang nais makumpleto sa susunod na taong 2026.
Una ay ang modernisasyon o ‘digitalization’ ng tanggapan para gawing ‘integrated’ ang mga sistema kasama pati paggamit sa teknolohiya ng AI o Artificial Intelligence.
Nais din ni Ombudsman Boying Remulla na paigtingin ang pagpapatupad ng ‘transparency’ nang sa gayon aniya’y magkatuwang nasyon at gobyerno sa laban kontra korapsyon.














