Iginiit ni Senador Bong Go na ang isinampang kaso ni Dating Senador Antonio Trillanes laban sa kanya, ay bahagi ng “diversionary tactics” para ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay na isyu ng korapsyon sa gobyerno.
Sa pulong balitaan, sinabi ng senador na ang dapat habulin ay ang mga tunay na sangkot sa katiwalian at ghost projects sa ilalim ng flood control program ng pamahalaan.
Maling tao aniya ang pinupuntirya ni Trillanes at bakit aniya hindi nito kasuhan ang mga totoong korap.
Tiniyak din ng senador na hindi siya nagpapagamit sa anumang negosyo ng kanyang pamilya at hindi niya ginamit ang kanyang posisyon para paboran sila.
Kaninang umaga ay nagsampa ng kasong graft at plunder si Trillanes laban kina Go at Duterte sa Ombudsman kaugnay sa pagpabor at pagpasok ng P7 bilyon na government infrastructure projects sa kumpanya na pag-aari ng kapatid at ama ng senador.