IMG20190715102845
DOJ panel of prosecutors (file photo from Bombo Jerald Ulep)

Pinaaaresto na ng isang korte sa Bislig City, Surigao del Sur si Kabus Padatoon (KAPA) founder Pastor Joel Apolinario, misis nitong si Reyna at lima pang opisyal ng KAPA Community Ministry International.

Ang pag-aresto ay nag-ugat sa mga kasong may kinalaman sa umano’y malawakang investment scam lalo na sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon sa Securities Exchange Commission (SEC), ang Bislig City Regional Trial Court (RTC) Branch 29 ay nag-isyu ng warrant of arrest noong February 11 laban kina Apolinario, trustee Margie Danao at corporate secretary Reyna Apolinario.

Kasama rin sa pinahuhuli ay sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia at Reniones Catubigan.

Ang warrant of arrest ay inilabas makaraang magsampa ang mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) ng criminal charges laban sa KAPA dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code.

“The Warrants of Arrest were issued after prosecutors at the Department of Justice (DOJ) filed criminal charges against KAPA for violations of Republic Act No. 8799, or the Securities Regulation Code (SRC). In separate Informations, the DOJ has accused KAPA of “willfully, unlawfully and criminally” engaging in the selling or offering for sale or distribution of securities in the Philippines without a registration statement duly filed with and approved by the SEC. Accordingly, the DOJ charged KAPA, along with Mr. and Mrs. Apolinario and Danao, of violating Sections 8(8.1), 26.1 and 28 of the SRC. It also indicted Diaz, Fernandico, Mopia and Catubigan for violation of Section 26.1 of the SRC for promoting the investment scam,” bahagi pa ng statement ng SEC.

Kung maalala hunyo noong 2019, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na ipasara ang KAPA dahil sa isyu ng katiwalian at panloloko sa mga miyembro na maihahalintulad sa isang Ponzi scheme.

Inatasan ng Pangulo ang PNP-CIDG na magsagawa ng crackdown sa mga tanggapan nito.

Inaakusahan ang KAPA na paghimok sa mga tao partikukar ang kanilang mga miyembro na mag-invest sa kanila ng hindi bababa sa P10,000 hanggang P2 million.

Kapalit umano ito ng 30 percent na monthly return habambuhay.

Nadiskubre naman ng mga otoridad na ang KAPA ay dawit sa Ponzi scheme na isang investment program na nag-aalok ng sobrang laking halaga ng pera, para makapagbigay sa investors ngunit gamit ang salaping mula rin sa mga bagong investors.