LAOAG CITY – Nabali ang kaliwang paa ng kandidato sa pagka-konsehal sa Laoag na si Derick Lao matapos maaksidente ang sinakyang motorsiklo sa Barangay 23 ng nasabing lungsod.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), papunta sa hilagang direksyon ng Magat Samalat road nang iniwasan ni Lao ang isang aso kaya ito naaksidente.

Kaagad na naitakbo sa ospital si Lao dahi sa tinamong fracture sa kaliwang paa.

Sa ngayon ay nagpapagaling ang biktima sa Laoag City General Hospital.