Nagkaisa ang Department of Justice at Department of Social Welfare and Development o DSWD para maitatag at maisakatuparan ang compensation sa mga batang biktima ng karahasan.
Kung saan isinagawa ngayong araw ang pormal na paglagda ng dalawang ahensiya ng gobyerno sa isang kasunduan o Memorandum of Agreement hinggil rito.
Pinangunahan ito nina Justice Undersecretaey Deo L. Marco at DSWD Undersecretaries Adonis Sulit at Monina Josefina Romualdez sa ginanap na programa sa Justice Hall ng Department of Justice.
Layon sa nilagdaang Memorandum of Agreement na mapabilis ang proseso ng pagbibigay asiste sa mga batang biktima ng karahasan na nasa pangangalaga ng DSWD Residential Care Facilities.
Kaya’t alinsunod sa naturang kasunduan, makakatanggap ng ‘compensation’ ang mga biktima sa lahat ng uri ng inhustisya gaya at hindi limitado sa online sexual abuse, exploitation, rape, torture, human trafficking, illegal detention, enforced disapperance at iba pa.