Muling inungkat ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang kandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections ang gumagamit ng iligal na droga na cocaine.
Sa kaniyang talumpati sa pagpapasinayan ng seaport at airport development project sa sa General Santos City, sinabi ng pangulo na kaya hindi nahuhuli ang hindi na pinangalanang kandidato ay dahil ginagawa ito sa mga pribadong lugar.
Inilhalimbawa pa ng pangulo na ginagawa ang paggamit ng nasabing droga sa yate o sa private plane.
Magugunitang unang ibinunyag ng pangulo na mayroong kandidato sa pagkapangulo ang sinasabing gumagamit ng cocaine.
Tiniyak naman ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na makikipagtulungan sila sa Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) para agad na imbestigahan ang ginawang pagbubunyag na ito ng pangulo.