-- Advertisements --

Buhay pa ang tsansa ng TNT Tropang 5G sa grand slam matapos malusutan ang Magnolia Timplados 89-88 sa PBA 49th Season Philippine Cup.

Nagsalba sa panalo ng TNT sa unang laban nila sa quarterfinals ang naipasok na free throw ni Kelly Williams sa natitirang 6.8 segundo sa laro na ginanap sa Philsport Arena.

May tsansa pa sana ang Magnolia na maipanalo ang laro sa natitirang 2.9 segundo ng laro subalit nadepensahan ang tangkang pagpasok ng bola ni Zavier Luceo.

Nanguna sa panalo ng TNT si Roger Pogoy na nagtala ng 30 points.