-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na kanilang palalakasin ang pagtugon sa isyu ng bullying, pagsusulong child mental health at paglikha ng mas ligtas ba kapaligiran para sa mga bata.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, alinsunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kasabay nang pasukan.

Sinabi ni Gatchalian na bubuo sila ng komprehensibong approach hindi lang para maprotektahan ang biktima ng bullying kundi tugunan rin ang ugat o dahilan nang pag-uugali ng nambu-bully.

Katwiran ng kalihim, mayroon din dapat psychological intervention sa aggressor.

Binigyang diin naman nito ang kahalagahan ng proactive parenting.

Kaya naman mayroon anya silang sesyon sa ilalim ng Parenting Effectiveness Service (PES) program kasama ang mga bata at family psychologists.

Layon nitong magabayan ang mga magulang at guardians sa anti-bullying at iba pang usapin gaya ng teenage pregnancy, child nutrition, at values education.