Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na 26 na katao na ang nasawi sa pananalasa ng nagdaang bagyong Inday at hanging habagat.
Sa latest update ng OCD ngayong Miyerkules, Hulyo 15, sinabi ng ahensiya na ang dahilan ng pagkasawi ng mga biktima ng kalamidad ay maaaring bunsod ng pagkalunod o pagguho ng lupa.
Sa mga nasawi, isa ay mula sa Iloilo, tig-dalawa sa Zamboanga Sibugay at Bukidnon, apat sa Davao Occidental, pito sa Lanao Del Sur at sampu sa Sarangani.
Nananatili missing ang 14 na katao, isa sa Maguindanao del Sur, tig-dalawa sa Zamboanga del Sur at Sarangani, apat sa Lanao del Sur at lima sa Davao Occidental.
Mayroon ding siyam na napaulat na nasugatan dahil sa landslide.
Nilinaw naman ng OCD na nagpapatuloy ang validation sa mga napaulat na casualties.
Umabot naman sa isang milyong indibidwal ang naapektuhan na ng kalamidad.














