-- Advertisements --

Sinisi ni Deputy Spokesperson ng Chinese Embassy Guo Wei si Jay Tarriela at iba pang opisyal sa umano’y paglala ng relasyon ng Pilipinas at China.

Ayon kay Guo, araw-araw daw nagpapakalat ng kasinungalingan at galit si Tarriela na nakakaapekto sa ugnayan ng dalawang bansa.

“If there weren’t people like Jay Taliella who lies, sows discord, and incites hatred every day, China-Philippine relations would be much better,” saad ni Guo.

Ginawa niya ang pahayag kasabay ng paggunita ng Pilipinas sa ika-10 anibersaryo ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration hinggil sa West Philippine Sea.

Sa naturang pasya, ibinasura ng tribunal ang nine-dash line claim ng China at kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa loob ng 200-nautical-mile Exclusive Economic Zone.

Bilang tugon, sinabi ni Tarriela na kung susunod lamang ang China sa international law at titigil sa pangha-harass sa mga mangingisdang Pilipino at mga barko ng PCG at BFAR, mas magiging maayos ang relasyon ng dalawang bansa.

Dagdag pa niya, ang tunay na solusyon ay ang pagtalikod ng China sa ilegal na claim nito at ang paggalang sa karapatan ng Pilipinas sa dagat.

“If China would simply adhere to international law — stop harassing ordinary Filipino fishermen, stop harassing PCG and BFAR vessels, stop destroying the marine environment through reclamation, and abandon its illegal claim over nearly the entire South China Sea — Philippines-China relations would be in a far better place,” wika ni Tarriela.Pilipinas sa dagat.