-- Advertisements --

Nangako si Department of Energy (DOE) Officer-in-charge Sharon Garin na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulan ni outgoing Secretary Raphael Lotilla bilang mamumuno na ito sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa isang pulong balitaan na ginanap mismo sa tanggapan sa Taguig City, inihayag ni Garin ang kaniyang kagustuhang ipagpatuloy ang legacy na maiiwan ng dating kalihim para maging tuloy tuloy din ang mga improvements sa departamento sa ilalim ng kaniyang pamumuno bilang OIC.

Ipagpapatuloy din ang mga naiwang contracts at paparating na mga kontrata para matuloy din ang target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028 na paggamit ng mga renewable resources bilang pinanggagalingan ng enerhiya sa bansa.

Samantala, ayon pa kay Garin, para rin sa maayos na pagkamit ng mga target na ito, patuloy nilang iaadapt ang mga programa, reporma, at polisiya ni Lotilla.

Ani Garin, ito ay munting paalala rin sa mga personnel ng departamento na mananatili ang mga ito as long as nagagampanan nila ang kanilang mga nakatakdang trabaho para na rin sa ikakaangat pa ng departamento.

Layon din ni Garin na mas iimprove pa ang mga polisiyang nasimulan ni Lotilla at simulan nang ayusin ang mga isyu partikular na ang isyu ng elektrisidad sa Siquijor na siyang nauna nang binisita ng Pangulo.

Sa kasalukuyan nakatakda nang mamuno at manungkulan bilang bagong kalihim ng DENR si Lotilla habang uupo naman bilang OIC ng DOE si Garin alinsunod yan sa naging balasan ng mga gabinete ng Pangulo.