Mariing tiitinanggi ng kampo ni dating US President Donald Trump na sila ang nagpasimuno ng kaguluhan noong Enero 6 kung saan ginulo ng mga supporters nito ang kongreso sa Washington DC.

Dahil sa nasabing insidente ay kakasuhan ito ng “inciting insurrection” kung saan nagtalumpati pa ito sa mga harap ng mga supporters habang nagaganap ang riot.

Aabot sa limang katao kabilang ang isang pulis ang nasawi ng atakihin ng mga supporters ni Trump ang Capitol building.

Iginiit ng abogado na base sa imbestigasyon ng FBI na naiplano ang pag-atake ng ilang araw.

Nanindigan din ang mga ito na isang unconstitutional na ang pagdinig dahil wala na sa puwesto si Trump at isa na siyang private citizen.

-- Advertisement --