Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang panibagong pagpapataw ng taripa sa anim na bansa.
Pinadalhan na ni Trump ng sulat ang mga bansang Algeria, Brunei, Iraq, Libya, Moldova at ang Pilipinas.
Nakasaad sa sulat na mayroong 30 percent na taripa ang ipinataw sa mga produkto mula sa Algeria at Iraq.
Habang 25 percnet naman sa Brunei, Libya at Moldova at ang Pilipinas ay mayroong 20 percent.
Magiging epektibo ang nasabing bagong taripa sa darating na Agosto 1.
Ang nasabing sulat ay kasunod ng pagtatapos ng 90-araw na negotiation period kung saan magsisimula ang pag-levy ng hanggang 10 percent.
Binibigyan ni Trump ang mga lider ng nasabing bansa na makipagnegosasyon bago ang deadline sa Agosto 1.
Subalit iginiit ni Trump na wala ng magiging extension pa para sa mga bansa na nakatanggap ng sulat.
Magugunitang noong Lunes ay pinatawan rin ni Trump ng 25 percent na taripa ang mga produktong galing sa Japan at South Korea.