-- Advertisements --

Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na simulan ang voter’s registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa unang linggo ng Agosto.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nakatakda itong isagawa sa loob lamang ng sampung araw.

Aminado si Garcia na mahirap ang kanilang sitwasyon dahil hindi pa tiyak kung matutuloy o maaantala ang halalan para sa Barangay.

Isa sa kanilang mga pinangangambahan ay ang posibilidad na matuloy ang eleksyon kahit walang sapat na bilang ng mga rehistradong botante, lalo na sa hanay ng mga kabataang edad 15 hanggang 17.

Kung maisasakatuparan ang kanilang plano, tatapusin muna ng Registration Board ang mga pagdinig bago mag-Agosto upang masimulan agad ang registration sa unang linggo ng nasabing buwan.