Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump na papatawan ng 35% taripa ang mga produktong inaangkat mula Canada simula Agosto 1, 2025, ayon sa liham na ipinadala niya kay Canadian Prime Minister Mark Carney.
Ito na ang higit 20 liham na nagpadala si Trump sa Canada ngayong linggo kaugnay ng kanyang agresibong kampanya na tinawag niyang “trade war” laban sa iba’t ibang bansa.
Kahit pa nasa gitna ng negosasyon ang Canada at Amerika para maisalba ang kasunduang USMCA (United States-Mexico-Canada Agreement), na pumalit sa North American Free Trade Agreement (NAFTA) noong 2020.
Orihinal na target matapos ang usapan sa Hulyo 21, ngunit tila iniurong ito sa Agosto 1 dahil sa banta ng taripa.
Nagpahayag naman si Carney ng pagtitiyak na ipaglalaban ng kanyang pamahalaan ang interes ng mga manggagawa at negosyante sa gitna ng pressure na natatanggap mula sa Washington.
Matatandaan noong nakaraan, pinatawan na rin ng U.S. ng 25% taripa ang mga produkto mula Canada at Mexico, ngunit pansamantalang nagbigay ng exemptions sa ilalim ng USMCA.
Sa kabila ng mas mainit na relasyon nina Trump at Carney sa mga nakaraang pulong, muling naging tensyonado ang sitwasyon kasunod ng bagong banta.
Ayon pa kay Trump, pinag-iisipan din niyang magpataw ng 15–20% taripa sa iba pang bansa simula Agosto 1 ng taong kasalukuyan.