-- Advertisements --

Hinarang ng US judge ang pag-implementa sana ni President Donald Trump ng pagtatapos na ng birth right citizenship sa ilang mga US resident .

Inaprubahan ng New Hampshire judge ang class action lawsuit laban sa executive order ni Trump at pinipigilan ang pangulo na ipatupad ito.

Ang nasabing class action lawsuit ay pinangunahan ng American Civil Liberties bilang nagrerepresenta ng mga magulang ng immigrant at kanilang anak.

Handa namang kuwestiyunin ng White House ang validity ng ruling ng judge.

Magiging epektibo sana ang pagbabawal ni Trump ng birth right citizenship sa darating na Hulyo 27.

Magugunitang nakasaad sa konstitusyon ng US na garantisado ng US citizens ang lahat ng mga sanggol na ipinanganak sa US subalit nais itong tanggalin ni Trump lalo na sa mga batang ang mga magulan ay undocumented immigrants at dayuhang bisita.