-- Advertisements --

Kumpiyansa ang kampo ni Senador Chiz Escudero na legal at naideklara ang natanggap niyang donasyon mula sa isang government contractor para sa kanyang pangangampanya noong 2022 elections. 

Nagsumite na ngtugon ang legal counsel ni Escudero sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng isyung may kinalaman sa donasyong natanggap niya mula sa Centerways Construction and Development Inc., — flood control contractor —  para sa kanyang kampanya noong eleksyon.  

Sa pahayag ni Atty. Ramon Esguerra, legal counsel ni Escudero, alinsunod aniya ito sa umiiral na batas at matagal nang nakaugaliang praktis sa mga kampanya.

Tiyak ang kampo ng senador na nasa kanilang panig ang batas at kumpiyansa silang makikita ng komisyon na walang paglabag na naganap.

Nauna na nang umamin ang top flood control contractor na si Lawrence Lubiano sa Kamara na nagbigay siya ng milyun-milyong campaign donation kay Escudero 

Ngunit itinanggi naman ng senador na tinulungan niya ang kumpanya ni Lubiano na makakuha ng kontrata para sa mga proyekto ng gobyerno.

Bagama’t inamin ni Escudero na matagal na niyang kaibigan ang may-ari ng kompanya, nilinaw niyang hindi siya kasosyo sa negosyo.