-- Advertisements --

Binatikos ng kampo ng negosyanteng si Atong Ang ang inilabas na desisyon ng Department of Justice (DoJ) na sila ay pinakakasuhan dahil sa pagkakasangkot sa nawawalang sabungero.

Sinabi ni Atty. Gabriel L. Villareal ang abogado ng negosyante na ang resolusyon ay hindi patas sa inaakusahan at ito ay maraming butas.

Nakatuon aniya ang resolusyon sa kahinahinalang testimonya ng witness na si Julie Patidongan.

Inakusahan din ni Villareal si Patidongan na nagmamanipula ng proseso para iligtas ang sarili.

Kinukuwestiyon din nila ang mga hindi pagsama ng DOJ sa mga pangunahing idinawit sa kaso.

Hiniling nito sa Philippine National Police-Criminal Detection and Investigation Group (PNP-CIDG) na muling imbestigahan ang kaso.

Magugunitang pinakakasuhan ng DOJ si Ang at 21 iba pa ng kidnapping at homicide dahil sa pagkawala ng sabungero.