Naibenta sa halagang $30.5 milyon o katumbas ng P1.7 bilyon ang kakaibang Ceratosaurus fossil sa isang auction.
Ayon sa Sotheby na ang kakaibang mga buto ng dinosaur ay siyang pinaka-pino at kumpletong halimbawa na natagpuan.
Hindi lubos akalain ng auction house na nakabase sa New York na ito ay mabibili sa ganitong halaga dahil inaasahan nila na hanggang $6 milyon lamang.
Mayroong anim na mga bidders ang nagka-interesado sa pagbili ng nasabing fossils.
Ang Ceratosaurus nasicornis ay isang meat-eating predator na na nasal horn, mahaba ang ngipin at mabutong katawan.
Mayroong taas ito na anim na talampakan at tatlong pulgada at haba na hanggang 3.25 meters.
Ang nasabing dinosaur na naibenta ay medyo bata na binubuo ng 139 bone elements.
Ito ay nadiskubre noong 1996 sa Bone Cabin Quarry sa Wyoming kung saan tinatayang may edad na ito na mahigit 150 milyong taon.
Naka-display ito sa Museum of Ancient Life sa Thanksgiving Point, Utah mula 2000 hanggang 2024.