Nagsimula ng magsanay sa training facility ng NBA team na Atlanta Hawks si Filipino basketball player Kai Sotto.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng 7-foot-2 na Pinoy player ang ginagawa nitong training sa Emory Sports Medicine Complex.

Bago kasi ang pagpunta niya sa Europe ay nagtungo muna sila kasama ang amang si Ervin sa Atlanta para lalo mahasa ang kaniyang galing sa basketball.

Bukod sa training ay nanood din ito ng laro ng Atlanta Hawks ng talunin nila ang Philiadelphia 76ers 130-122.

Magugunitang nagdesisyon ang 16-anyos na MVP ng UAAP Season 81 juniors’ basketball na ipursige ang paglalaro sa NBA para maging unang Filipino basketball player na makapaglaro sa NBA.