Zamboanga del Norte

Patay matapos pagbabarilin ang isang judge ng Zamboanga del Note.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, habang nasa parking lot ng Bulwagan ng Katarungan ng bayan ng Liloy si Judge Reymar Lacaya ng ito ay pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na umabot pa ng buhay.

Si Lacaya ay residente ng Sindangan, Zamboanga del Norte at siya ay nakatalaga sa Branch 11 ng Zamboanga del Norte Regional Trial Court.

Pang-30 na si Lacaya na judge na pinatay mula pa noong 1999 at siya rin ang pang-apat na judge na napatay mula pa 2017.