-- Advertisements --
Nagbabala ang mga eksperto para sa posibleng minimal hanggang moderate na panganib ng storm surge sa loob ng susunod na 48 oras dahil sa epekto ng tropical cyclone CrisingPH.
Inaasahan ang 1–2 metrong taas ng alon sa baybayin ng mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Mga Apektadong Lugar:
Coastal municipalities ng Cagayan at Isabela
Ipinapayo ang mga sumusunod na hakbang para sa mga residente:
1. Iwasan ang pagpunta sa baybaying-dagat o tabing-dagat
2. Kanselahin ang lahat ng gawaing pandagat
3. Sundan ang mga pinakabagong update mula sa DOST
Para naman sa local government units, pinapayuhan silang magpatupad ng nararapat na pag-iingat at aksyon upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente.