-- Advertisements --

Pumalo na mahigit 900,000 na mga Pilipino ang nakinabang sa medical assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Ang datos na ito ay sa loob ng unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.

Batay sa tala ng operations Group Crisis Intervention Unit ng ahensya , aabot sa kabuuang 953,560 individuals ang kanilang natulungan .

Katumbas ito ng mahigit P8.5 billion na medical aid na kanilang naibigay.

Mula sa naturang bilang ng mga benepisyaryo, aabot sa 670,825 clients ang tumanggap ng cash assistance ng tig P10,000 habang nasa 282,735 ang naisyuhan ng guarantee letters para magamit sa hospitalization costs, medication, at diagnostic procedures.

Ayon kay DSWD Asec. Irene Dumlao, ang biglaang sakit o medical emergency ay maaaring magdulot ng paghihirap sa bawat pamilyang Pilipino.

Una nang nagkaroon ng isyu sa pagbibigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program noong nakalipas na halalan dahil sa paratang na ginagamit umano ito ng mga pulitiko sa pangangampanya bagay na pinabulaanan naman ng ahensya.