-- Advertisements --

Pumalo na sa 112 milyon ang kabuuang populasyon ng bansa.

Base sa Proclamation 973 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mayroon 112,729, 484 ang bilang ng mga Filipino mula pa noong Hulyo 1, 2024.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 3.69 milyon mula noong Mayo 1, 2020 base sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Nakasaad sa Batas Pambansa 72 na ang pinal na bilang ng populasyon ay maikokonsiderang opisyal para sa lahat base sa proklamasyon ng Pangulo.

Ang 2024 Census and Populations and Community-Based Monitoring System ay isinagawa ng mula Hulyo hanggang Setyembre 2024 kung saan ang reference date ay noong Hulyo 1.

Sa ginawang pag-aaral ng United Nations Population Fund report (UNFPA) na ang Pilipinas ay mayroong 1.9 percent na fertility rate per woman ngayong 2025.