-- Advertisements --

Patuloy ang paggalaw ng tropical depression Crising papalapit sa silangang bahagi ng Luzon ngayong umaga.

Ayon sa ulat, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 535 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Taglay ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 km/h malapit sa sentro.

May bugso ng hangin hanggang 70 km/h.

Signal No. 1:

Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, hilagang-silangang bahagi ng Aurora, Quirino, Kalinga, silangang bahagi ng Mountain Province at Ifugao, hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya, at Apayao.

Maaaring makaranas ng mahinang hanggang katamtamang pag-ulan at bugso ng hangin.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat, bantayan ang mga abiso para sa posibleng paglikas kung kinakailangan.