-- Advertisements --

Nagsumite ng kaniyang courtesy resignation si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng kautusan ni Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez namagsumite ng courtesy resignation sa lahat ng mga opisyal ng kaniyang opisina.

Nakasaad sa kautusan ni Gomez na mayroong hanggang Hulyo 18 ang mga appointees ng PCO na magsumite ng kanilang courtesy resignation.

Magugunitang sinabi ni Gomez na ang hiling nitong courtesy resignation sa mga appointees ay bahagi ng standard transition process.

Nais din ni Gomez na iprioridad ang performance audit ng kaniyang ahensiya.