Napabilang na si rin ang four-time Eastern Conference All-Star na si John Wall sa ilang NBA players na nabigyan ng tinaguriang “supermax” extension sa kanilang kontrata.

Ito ay makaraang pumirma si Wall sa Washington Wizards ng apat na taong contract extension na nagkakahalaga ng $170 million.

Kung maalala una nang itinuring sina James Harden ng Houston at Golden State’s Stephen Curry na may “supermax” extension.

Ipinagmalaki naman ng Wizards team President Ernie Grunfeld ang deal kay Wall na magsisimula sa 2019-20 kabilang na ang player option para sa taong 2023-24.

“John is an exceptional talent and a cornerstone for our team,” ani Leonsis sa statement. “It’s John’s unique blend of skill and leadership that makes us a championship-caliber team.”

Sa ngayon ang big three ng Washington ay naka-lock up na sa koponan.

Una rito sa offseason tinapatan ng Wizards ang $106.5 million na four-year offer sheet sa forward na si Otto Porter Jr. mula sa Nets at noong huling summer ay nakuha naman ang guard na si Bradley Beal sa halagang $128 million na five-year contract.

Si Porter ay dating Washington’s highest-paid player, pero ngayon hawak na ito ni Wall, ang dating No. 1 pick noong 2010 draft mula sa Kentucky.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here