Naging matagumpay ang test flight ng kauna-unahang jet-suit wearing paramedic sa United Kingdom.

Gawa s 1050 brake horsepower jet suit ay lumipad ito ng hanggang 25-minuto sa Lake District.

Ayon sa Great North Air Ambulance Service (GNAAS) kasama nila sa proyekto ang jet suit manufacturer na Gravity Industries.

Malaking tulong ang nasabing jet suit para sa mga nagkaroon ng mga emergencies sa mga bundok gaya ng mga hikers.

Kanilang aayusin pa ang ilang detalye ng nasabing proyekto bago nila ito pormal na gamitin sa mga emergencies.