-- Advertisements --

Isinagawa ng Department of Energy (DOE) at Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) ang isang national tabletop exercise noong Hulyo 8, 2025, upang subukin at palakasin ang koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pagtugon sa mga nuclear at radiological emergency.

Ang nasabing aktibidad ay tumagal ng tatlong araw na bahagi ng proyekto ng ASEANTOM na suportado ng European Commission.

Nilahukan din ito ng mga eksperto at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Present din si Bojan Tomic ng ENCO Consulting mula sa Vienna upang magbahagi ng kanyang karanasan sa nuclear safety at regulatory frameworks.

Ginamit sa simulation ang JRODOS system, isang decision support tool na tumutulong sa pagtataya ng epekto ng radiological incidents at pagbabalangkas ng mga protective actions.

Ayon kay Energy Undersecretary Giovanni Carlo Bacordo, ang aktibidad ay mahalaga para sa pagpapalakas ng pagtutulungan at tiwala sa pagitan ng mga ahensya sa bansa.

Kasabay ng simulation ay ang FNCA Workshop sa radiation safety at radioactive waste management na ginanap mula Hulyo 8–10. Pinangunahan ito ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) at Japan’s MEXT.

Kaugnay nito, pinagtibay din kamakailan ang Philippine National Nuclear Energy Safety Act na magtatatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhIAERA).