Kinumpirma ng embassy ng Japan sa Pilipinas na nakatanggap ang kanilang gobyerno ng posibleng terror attack sa Southeast Asia kasama na ang Pilipinas.

Ayon sa kalatas na inilabas ng embahada, kumpirmado ang nasabing impormasyon subalit hindi na sila nagbigay ng anumang dagdag pang detalye.

Binalaan na rin nila ang kanilang mga mamamayan na nasa Southeast Asian countries.

Pinayuhan din nila ang mga mamamayan na maging vigilante sa mga nagaganap sa kapaligiran.

May nakuha rin ang Foreign Ministry ng Japan ng impormasyon ng pagkakaroon aw ng posibleng suicide bombing.

Patuloy naman ang ginagawang pag-validate ng Department of National Defense sa nasabing impormasyon.