-- Advertisements --

Pinatumba ni Japanese boxing superstar Naoya Inoue si Paul Butler sa kanilang laban na ginanap sa Ariake Arena sa Koto-Ku, Japan.

Sa simula pa lamang ng unang round ay pinaulanan na ni Inoue ang mga suntok ang kalaban nito.

Tumuloy ang pagpapakawala ng Japanese boxing star ng body shots at top punches laban sa English boxer hanggang pagdating ng round 11 ng ipahinto na ng referee ang laban.

Dahil sa panalo ay naging unang undisputed bantamweight champion si Inoue.

Mayroon na siyang WBC, WBA, WBO at IBF bantamweight world champions si Inoue na siyang unang Japanese boxer sa kasaysayan na magkaroon ng apat na titulo mula sa major sanctioning body.

Mayroong record na ito na 24 panalo at walang talo na mayroong 21 knockouts habang si Butler ay bumagsak ang record sa 34 panalo, tatlong talo na may 15 knockouts.