-- Advertisements --

Kasalukuyan nanag pinapacheck ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagbabago at patuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino sa imported rice sa merkado.

Inatasan ngayon ng kalihim ang Rice Industry Development Office (RIDO) upang pangunahan ang imbestigasyon sa patuloy na pagpili ng mga mamimili sa imported na mga bigas partikular na ang mg bigas na inangkat mula sa Vietnam.

Ayon kay Tiu Laurel, ang mga pagbabagong ito ay maaaring senyales ng pagbabago rin ng mga prayoridad ng mga mamimili kung saan mas pumipili ang mga ito ng may kalidad kaysa sa mas madami.

Dapat din aniyang bantayan ang ganitong pagbabago sa trends lalo na at posibleng may ipinapahiwatig ito sa mga kasalukuyang demand at kagustuhan ng mga konsyumer.

Samantala, layunin din ng naturang direktiba na makagawa pa ng mga kongkretong rekomendasyon na siyang magpapalakas at magpapayabong pa ng suporta para sa mga lokal na magsasaka at maging mga rice millers sa loob ng bansa upang mas mapalakas din ang kapasidad nito para sa ekportasyon.