Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bawat Pilipino na isapuso ang diwa ng paglilingkod at pagkakaisa.
Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos pangunahan ang paggunita ng National Heroes Day sa Taguig City.
Giit ng Pangulo, ang tunay na kahulugan nito ay ang paglalagay ng kapakanan ng kapwa bago ang sariling interes.
Binigyang-diin ng Presidente na kahit madalas ginagamit ito bilang biro, ito aniya ay susi upang makamit ang pagkakaisa at mas maayos na kinabukasan para sa lahat ng mamamayan.
Aniya, hindi sapat ang pagbibigay halaga lamang sa sariling pangangailangan, kundi dapat ding isaalang-alang ang ikabubuti ng iba.
Ipinaalala rin ni Pangulong Marcos na dumarating ang mga bagong hamon kasabay ng pagbabago ng panahon, kabilang aniya rito ang mga suliranin ng lipunan gaya ng katiwalian, pang-aabuso ng kapangyarihan, at kawalan ng malasakit sa taumbayan.