-- Advertisements --

Nagpahayag ng buong suporta ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaang nagbibigay ng mga libreng medical services sa kanilang mga constituents para matiyak ang maayos na kalusugan ng publiko.

Inilarawan ng ahensya na ang inisyatibong ito ng mga lokal na pamahalaan ay isang mahalagang serbisyo a siyang mapapakinabangan ng puliko dahil sa pagkakaroon ng mabilis at libreng access sa serbisyong medikal.

Ilan dito ay ang Barangay Pinyahan sa Quezon City na nagaalok ng libreng konsultasyon sa kanilang mga nasasakupang residente.

Habang ito rin ang ipinapatupad sa iba pang mga komunidad sa iba’t ibang bahagai ng bansa para mailapit sa publiko ang mga health services na siyang dapat ay bukas para sa lahat.

Samantala, maliban sa suporta ay nagpahayag rin ng ahensya ng kanilang pakikiisa sa mga ganitong serbisyong publiko upang matiyak na walang Pilipino ang maiiwan at lahat ay magkakaroon ng malayang access sa mga ganitong programa.