Nagkakasa na rin ng kanilang imbestigasyon ang Department of National Defense (DND) hinggil pa rin sa naging gulo sa pagitan ng pulis at grupo ng mga kabataan sa ilang bahagi ng Maynila kahapon sa malawakang rally kontra korapsyon.
Sa isang panayam, inihayag ni DND Secretary Gilberto Teodoro na sinisilip at inaalam na ng kanilang departamento kung sino o ano mang grupo ang nasa likod ng mga naging laguluhan na ito sa Maynila.
Binigyang diin niya mismo ang mga kabataang nakasuot ng mga itim na damit at mga masks na siyang nanira, nag-vandalize sa ilang mga kagamitan sa lansangan ng lungsod.
Napansin kasi ng kalihim ang paglitwa ng isang hindi ordinaryong watawat na tampok sa isang anime hinggil a iang grupo ng mga pirata.
Malakas din ang paniniwala ng kalihim na ang grupong ito ay mayroong malakas na impluwensiya na siyang tanging layunin lmang ay ang manggulo at sirain ang kapayapaang mayroon ang bansa.
Samantala, nauna naman na dito ay kinumpirma na rin ng Philippine National Police (PNP) maging ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroon na siyang mga inisyal na impormasyon hinggil sa pagkakahalo ng ibang mga lokal na terorista sa naging insidente.