Inaasahan ni Department of Interior and Local Government (DILG)na gaya ng unang araw ng mga ikinasang mga kilos protesta ay magiging generally peaceful pa rin ang mga ito hanggang bukas.
Sa isang panayam, inihayag ni Remulla na bagamat nakikita nilang walang magiging banta o mitsa para magkaroon ng karahasan sa mg apagtitipon na ito ay minabuti na rin na panatilihin ang deployment ng Philippine National Police (PNP) na nasa humigit kumulang 16,000 na tauhan.
Mas mainam na aniya na maging sobrang handa para sa kahit anumang pangyayari kesa naman hindi maging handa kagaya na lamang ng naging karahasan nitong nagdaang September 21 rally.
Sa kabila nito ay inihayag naman ng kalihim na handa naman aniyang magdagdag ang PNP ng karagdagan pang tauhan kung kakailanganin.
Samantala, tiniyak naman ni Remulla na patuloy na ipapatupad ng pulisya ang maximum tolerance sa kahit aumang pagkakataon habang inaasahan naman na aabot sa higit 50,000 na indibidwal ang dadalo sa mga programa sa EDSA People Power Monument habang higit sa 1 milyon naman ang inaasahang dadalo sa Quirino Grandstand kung saan nagpapatuloy din ang programa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.
















