-- Advertisements --

Ibinida ngayong araw umaga ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga bagong procured equipment na siyang pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Nakatanggap ang Pambansang Pulisya ng 383 na yunit ng 4×4 Carrier, 32 yunit ng heavy motorcycles, 225 na yunit ng light transport vehicles, 322 unmanned aerial vehicles o drones, higit sa 5,000 combat helmet level III, 500 yunit ng multi-mode service, 3,000 assault rifle at 155 light machine gun.

Ayon kay Remulla ang mga kagamitan na ito ay malaking tulong sa mas pinalakas na serbisyong publiko ng PNP na siyang mas pinabago at mas modernong paraan upang mapanatili ang kapayapaan.

Malaking tulong din aniya ang nga bagong kagamitan na ito partikular na ang mga drones na siyang nagamit na rin para sa pagtitiyak ng seguridad kahapon sa mga pinagdausan ng mga malakihang pagtitipon.

Kasunod nito inihayg din ni Remulla na nakatakda silang bumili ng karagdagan pang 2,000 bodyworn cameras na inaasahan namang matatanggap ng PNP matapos ang 45 araw.

Samantala, inaasahan naman na sa pamamagitan nito mas magiging pokus at mas pinalakas pa ang mga police visibility operations upang matiyak na magiging maayos at payapa ang mga komunidad sa bansa.