Tiniyak ng binuong House Infra Comm na kanilang iimbestigahan ang mga umano’y anumalya sa Flood Control Project sa bansa.
Kabilang sa kanilang sisilipin ay mga kontratista na nakakuha ng Flood Control Project sa kabila ng pagkakaroon ng maliit na kapital.
Sa isang pahayag ay sinabi ni House Committee on Public Accounts Chairperson Terry Ridon na napansin din na may mga kompanyang gaya ng MG Samidan .
Kabilang na dito ang ilang contractor na may kapital na mas mababa sa isang bilyong piso ngunit nakakuha ng mga kontratang nagkakahalaga ng higit sa sampung bilyong piso.
Binanggit niya na ito ay katulad ng Pharmally, na sa kapital na ₱650,000 lamang ay nakakuha ng kontratang nagkakahalaga ng ₱8 hanggang ₱10 bilyon noong kasagsagan ng pandemya.
Ang imbestigasyon ay batay na rin sa mga naging babala ni PBBM hinggil sa mga sangkot sa mga maanomalyang proyekto partikular na para sa mga Flood Control Project.