-- Advertisements --

Binalewala ng kampo ni dating Senator Bong Revilla ang rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ito ay dapat sampahan dahil sa pagkakasangkot nito sa anomalya sa flood control projects.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Maria Carissa Guinto na hindi nabigyan ng subpoena o kopya ng pormal na reklamo ang dating Senador.

Hindi rin aniya ito nabigyan ng tsana na maipagtanggol ang sarili.

Tiniyak din ng Senador na handa itong magtungo sa ICI sakaling ipatawag siya.

Itinuturing din ng Senador na ang reklamo sa kaniya ay imbento lamang mula sa isang utak-kriminal para maiwasan ang kaso sa kaniya.