-- Advertisements --

Dalawang katao ang nasawi dahil sa acute complications ng non-communicable diseases (NCDs) na na-monitor sa 10 pilot surveillance sites, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa datos mula Disyembre 21 hanggang madaling-araw ng Disyembre 24, isang kaso ay dahil sa acute stroke, habang ang isa ay sanhi ng acute coronary syndrome. Pinakamaraming naitalang kaso ay mula sa age group na 60 hanggang 69 taong gulang, kung saan nanguna ang acute stroke at acute coronary syndrome.

Nanguna rin ang bronchial asthma sa mga naitalang acute non-communicable disease (NCD) cases, kabilang ang mga batang edad 0 hanggang 9. Ayon sa DOH, tumataas ang ganitong mga kaso tuwing holiday season dahil sa overeating, paninigarilyo, pag-inom ng alak, stress, at exposure sa asthma triggers.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na agad magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng sintomas gaya ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, o biglaang pamamanhid, at makipag-ugnayan sa 911 o DOH hotline 1555 sa oras ng emerhensiya. (report by Bombo Jai)