-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Malacañang ang pagsuspendi ng pasok sa opisina ng gobyerno sa Disyembre 29 at Enero 2, 2026.
Nakasaad sa Memorandum Circular 111, na layon ng pagsuspendi ng pasok ay para may panahon ang mga empleyado ng gobyerno na magdiwang ng bagong taon kasama ang pamilya.
Isa rin itong pagkakataon na makapagpasyal sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang empleyado ng gobyerno.
Mananatili namang operational ang mga ahensiya na responsable sa iba’t-ibang emergency response and preparedness.
Ipinapaubaya naman ng Malacañang sa mga may-ari ng mga private companies ang desisyon sa pagsuspendi ng kanilang pasok.
















