-- Advertisements --

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na nakatuon na sila sa pagsusuri at pag-secure ng mga ebidensya kaugnay sa pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary Maria Catalina Cabral, matapos matagpuan ang kanyang katawan sa Benguet.

Ayon kay PNP Acting Chief Police Lt. Gen. Jose Nartatez Jr., kanilang iniinterrogate ang driver ni Cabral matapos iniwan niya ang dating opisyal ng DPWH noong Huwebes sa Kennon Road sa Tuba, Benguet, batay sa hiling ng nasabing opisyal.

Sinabi ni Nartatez na ngayong nakumpirma na ang pagkamatay ni Cabral, ang susunod nilang gawin ay alamin ang totoong nangyari.

Inihayag Sinabi ni Nartatez, nakikipag-coordinate rin ang PNP sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at iba pang kaugnay na ahensya upang tukuyin ang mga ebidensyang kailangang i-secure kaugnay sa imbestigasyon sa flood control projects.

Upang maiwasan ang mga lapses, iniutos ni Nartatez ang mas mahigpit na superbisyon sa mga lokal na yunit ng pulisya na humahawak sa kaso ni Cabral, kasunod ng pag-relieve sa puwesto ng hepe ng Tuba, Benguet Police.